Ina ginamit 4-anyos na anak sa cyberporn, tiklo

Naga, Cebu

DINAKIP ng mga pulis ang 25-anyos na ina na ginagamit umano ang kanyang anak na babae at nakababatang kapatid na babae sa cyberpornography sa Minglanilla, Cebu.

Isinailalim si Ivy, (hindi totoong pangalan), sa kostudiya ng mga operatiba ng Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit (WCPC-VFU) matapos ang isinagawang entrapment operation noong Martes.

Nailigtas naman ang kanyang 4-anyos na anak na babae at 15-anyos na kapatid na babae sa isinagawang raid. Nasa pangangalaga na sila ngayon ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas (DSWD-7).

Sinabi ng International Justice Mission (IJM), isang organisasyon na nangangampanya kontra online sexual exploitation ng mga bata, na maraming buwan na nagsagawa ang mga otoridad ng surveillance operation laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad nito.

Nadiskubre ng IJM na nagbebenta ang suspek ng mga hubo’t hubad na mga litrato at video ng mga menor-de-edad sa mga kliyente sa online.

Kakasuhan ang suspek ng Anti-Trafficking in Persons Act in relation to the Cybercrime Prevention Act.

Read more...