Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, maaaring hindi dumaan sa kalupaan ng bansa ang bagyo na may international name na Jebi.
Subalit kung papasok sa PAR ay maaari nitong palakasin ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan.
Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 3,485 kilometro sa silangan ng Central Luzon.
Umaabot sa 100 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugsong 120 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro pa kanluran.
MOST READ
LATEST STORIES