Maine mababaw lang ang kaligayahan kahit rich na, super happy sa regalong ‘ampaw’

MABABAW lang talaga ang kaligayahan ni Maine Mendoza. Aba, binigyan lang siya ng pagkain na ampaw, aba, ipinost talaga niya agad ito sa kanyang Instagram story!

Take note na ito ‘yung ampaw na inilalako sa mga highway ng street vendors na nakikita kapag may traffic.

Bigay kay Meng ang pagkain ng director niya sa Sugod Barangay segment ng Eat Bulaga na si Pat.

Ipinanganak man na komportable sa buhay at may sarili nang pinagkakakitaan, sa tatlong taon ng pagiging artista ni Meng, wala pa kaming nakitang post niya na idinispley sa social media account ng may kasamang pagmamalaki ang mga gamit.

Eh, ‘yung ipinagagawa nga niyang bagong bahay, lihim na lihim din at kaya lang nalaman ng publiko ay dahil sa video na ibinandera ni Michael Flores sa kanyang socmed.

Puwedeng gawin ni Meng ang magmayabang pero mas pinanatili niya ang pagiging humble sa buhay kahit sikat na sikat at milyonarya na!

Read more...