Diego Loyzaga kinakarir ang pagpapa-borta para sa ‘Los Bastardos’

DIEGO LOYZAGA

WALA si Diego Loyzaga sa ginanap na media conference ng pelikulang “Petmalu” kamakailan kaya hindi namin siya natanong tungkol sa mga kaganapan ngayon sa kanyang career and personal life.

Kaya naman nang magkita kami ng Kapamilya actor sa mall tour ng pelikula ni Joven Tan ay kaagad kong tsinika ang binata.

Napansin agad namin ang kanyang magandang pangangatawan. Naglakihan ang kanyang muscles at walang kiyemeng ipinakita pa sa amin ang kanyang abs!

“I am now busy po sa pagpapaganda ng katawan. Kailangan po kasi sa upcoming projects ko po,” bungad na kuwento ng aktor.

Mukhang matindi nga ang paghahandang ginagawa ni Diego para sa upcoming project niya. Sa pagkakaalam namin kasama ang binata sa isa na namang palabang drama series ng ABS-CBN, ang Los Bastardos kung saan makakasama niya si Jake Cuenca.

“Yes po. This is something new na magugustuhan ng televiewers. Nice yung story. And makakatrabaho ko si Jake. Ibang klase naman ito,” aniya.

Ang Los Bastardos ay mula sa RSB Unit kaya naman ginagawa ni Diego ang lahat dahil ayaw niyang mapahiya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng grupo ni Direk Ruel S. Bayani na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na teleserye.

“Very happy because this is a dream project for me. I’ve waited for this. Thankful pa rin po ako sa mga taong nagtitiwala sa akin,” paglalahad pa ni Diego.

Currently busy ang aktor promoting his latest movie, ito ngang bagong barkada movie na “Petmalu” kung saan makakasama rin niya sina Marlo Mortel, Hashtag Vitto, Hashtag CK, Jairus Aquino, Michelle Vito, Karen Reyes, Brian Gazmen and Vivoree under the direction of Joven Tan.

Read more...