SI Mommy Divine ang itinuturong dahilan kung bakit na-cancel ang airing ng interview ni Sarah Geronimo sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.
May mga question daw na pinalagan ng Mommy ni Sarah kaya nahinto ang interview.
Sa mga comments, na-bash nang husto si Mommy Divine at kinaawaan si Sarah.
“Hangang ngayon ba na 28 na si Sarah hindi pa rin makakilos at makapagdesisyon ng sarili nya? Grabe naman yan tila hangang sa pagtanda ni Sarah ay hawak pa rin nya sa leeg ang anak.
Ano pa gusto niya sa buhay? Siguro naman hindi na sila maghihirap kung sakaling mahiwalay na sa kanila si Sarah.”
“Her mother really has the attitude. Why didn’t they just edit out that part. Give her daughter a life!”
“Grabe ka mother matanda na yang anak mo at nasa hustong edad na sinasakal niyo pa rin. Get a life. Kaya si Sarah napapaiyak na lng mnsan sa concert nia kc naiistress sa inyo.”
“Ayaw bigyan ng kalayaan at maging masaya ang anak. Mawawalan sila ng ginto.”
‘Yan ang hanash ng fans kay Mommy Divine.
q q q
“Sobra sobra swerte darating sa buhay mo kung makita mo ang soulmate mo.”
‘Yan ang dayalog ng character ni Nanette Inventor kay Eva played by Julia Barretto sa Ngayon At Kailanman na feeling ng fans niya ay sobrang totoo.
Ang feeling kasi nila ay si Joshua Garcia ang talagang soulmate ni Julia. Si Joshua si Inno sa soap opera nila na mataas ang rating.
“Juls nakita muna siguro ang soulmate mo kasi daming blessings na dumadating sa inyo ni baba Josh. congrats sa mataas na ratings.”
“Kaya huwag pakawalan c Soulmate Juls, itali hanggat pwedeng itali baka makawala at sa iba mapunta…hahaha.”
“Congratz Baby, sa ratings and dahil I guess nakita mo n arin ang Soulmate mo! BLESSED.”
‘Yan ang comments ng JoshLia fans.