Alden nagpasabog muli ng good vibes, puring-puri ng netizens

ALDEN RICHARDS

PINALIGAYA na, sasagutin pa ni Alden Richards ang pag-aaral hanggang kolehiyo ng isang bata mula sa Kabankalan, Negros Occidental na walang kamay!

Ang bata ay tinawag na Super Niño dahil kahit walang mga kamay eh, marunong siyang magkarpintero, nagsisibak ng kahoy, gumagawa ng gawaing bahay at nagsusulat gamit ang mga paa.

Gaya ng ilang batang may kapansanan, nabu-bully din si Niño lalo na’t may bingot din siya kahit naoperahan na to. Ang kuwento niya ay na-feature last Sunday sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Panonood ng GMA series na Victor Magtanggol ang paborito ni Niño kapag walang ginagawa. Kaya bilang sorpresa, pinarating ng programa si Alden Richards sa isang lugar upang magkita ang dalawa.

Kitang-kita sa mata ng bata ang kaligayahan nang bumulaga sa harapan ni Alden na nakasuot pa ng costume ni Victor Magtanggol, huh! Ang bongga pa sa pagkikita nila ni Alden, niregaluhan siya ng isang kahoy na upuan na ipinasadya niya para maging komportable ang upuan at sulatan sa school!

Dahil nga marunong magkarpintero, nagpatulong si Alden kay Niño na ikabit ang isang parte ng upuan na ang bata ang pumukpok sa pako para sa dagdag na kahoy. Tapos, binigyan siya ng Pambansang Bae ng isang hammer na katulad ng gamit ni VM!

Bilang panghuling regalo, ang pagbayad sa pag-aaral ni Niño hanggang college ang pahayag ni Alden na ikinatuwa ng mga magulang ng bata. Pangarap ni Niño na makapagtapos ng engineering kaya wala nang problema sa pagbabayad ang magulang niya.

Umani naman ang papuri si Alden sa ginawa niyang ‘yon para kay Nino mula sa Facebook comments ng KMJS.

“I know some of us don’t appreciate Victor Magtanggol as a TV series (I’m one of them di na ako magmamalinis) but seeing this, giving hope and inspiration to Niño and let alone helping him out with his studies makes me realize and I hope na marealize din nung ibang ayaw din sa show na maybe it’s not appealing to your eyes but for those kids na kailangan ng role model, it’s gold and precious,” ayon kay Mariella Matundan.

“Brave little boy! Keep it up! To Alden thank you for helping this kid. Bless your good heart!!!” sabi naman ni Theng Arcillas.

Read more...