Sa wakas, Rochelle, Arthur nakabuo na rin ng baby

FINALLY, nakabuo na rin ng baby ang mag-asawang Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Rochelle ang litrato ng cellphone kung saan makikita ang sonogram ng kanilang magiging panganay.

Nilagyan niya ito ng caption na: “God answers when you least expect it. In HIS perfect time!”

Noong huli naming makausap ang dating leader ng Sexbomb Dancers sa presscon ng Kapuso primetime series na Onanay kung saan gumaganap nga siyang BFF ni Jo Berry, sinabi ni Rochelle na gustung-gusto na talaga nilang magka-baby ni Arthur.

Pero naniniwala raw siya sa “tamang panahon” kaya waiting lang silang mag-asawa kung kailan ibibigay ni Lord ang kanilang unang “angel”. Nitong nakaraang August ay nag-celebrate sila ng kanilang 1st wedding anniversary kaya napakagandang regalo ng pagbubuntis ni Rochelle.

Read more...