SA ikalawang sunod na araw noong Martes ay lumaban ang Pinoy amateur boxer na si Rey Saludar sa 27th Asian Elite Men’s Championship sa Amman, Jordan.
At sa ikalawang pagkakataon ay nanalo ang pambato ng Pilipinas sa torneong nilahukan ng 27 bansa.
Tinalo ng 25-anyos na si Saludar noong Martes ang 22-anyos na si Ilyas Sulei-menov ng Kazakhstan na tumalo sa kanya sa torneong ito noong 2011.
Nakopo ng Kazakh fighter ang silver medal noong 2011 at lumaban sa London Olympics noong isang taon.
Noong Martes ay naging determinado si Saludar na manalo at makaganti sa two-time national champion ng Kazakhstan.
Dalawang hurado ang pumabor kay Saludar, 29-28, habang ang isa ay pumabor sa kalaban sa iskor na 29-28 din.
Sa Miyerkules ay sasalang naman ang 20-anyos na si Rogen Ladon na haharap kay Hasan Naser ng Iraq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.