P432M jackpot hindi nasungkit

WALA pa ring tumatama ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi tinamaan ang P432.8 milyong jackpot prize sa bola Linggo ng gabi. Ang lumabas na winning number combination ay 43-54-39-14-46-36.

Inaasahang aabot sa P440 milyon ang jackpot prize sa bola mamayang gabi (Martes).

Noon pang Pebrero 18 walang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumaki na ang jackpot prize.

Ngayong taon ay isang beses pa lang tinatamaan ang Ultra Lotto jackpot prize. Ito ay noong Pebrero 16 kung saan dalawa ang naghati sa P331.9 milyong jackpot prize.

Read more...