“Kung sino ‘yung naunang pumasok, siya ‘yung unang ma-promote. And that would go for everybody in the…,” sabi ni Duterte sa isang panayam matapos pangunahan ang selebrasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City.
Ito’y matapos ang alegasyon ng mga kritiko ng administrasyon, partikular ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na pabuya kay de Castro ang pagpili sa kanya matapos mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
“I have yet to hear those guys state something without malice. They always say the worst… People, kagaya nila, just best when they condemn. And they have nothing to show for their time there except to blabber their mouth,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag pa ni Duterte na wala siyang kakilalang justices sa Korte Suprema.
“I am not familiar with any of them actually. Wala akong kakilalang justice na ‘yung personal. Truthfully, I have never talked to anyone there.. Wala akong kilala…They are all strangers to me,” dagdag ni Duterte.
Nakatakdang umupo lamang si de Castro ng dalawang buwan bilang Chief Justice bago siya magretiro sa Oktubre, 2018.