Gustong pumayat, e, ‘wag ka magpuyat

AYON sa isang research sa Estados Unidos ang kakulangan ng tulog o pagpupuyat ay nagpapataas ng tyansa na maging obese o diabetic ang isang tao.

Ito ay dahil ang pagpupuyat ay nagpapataas ng pagkatakam sa mga junk food at pagkain ng disoras ng gabi na kalimitang hindi na nasusunog ng katawan.

Isinagawa ang pag-aaral sa University of Arizona batay sa isinagawang phone-based survey kung saan 3,105 ang respondent mula sa 23 metropolitan area.

Tinanong ang mga kalahok tungkol sa kalidad ng kanilang pagtulog at problema sa kalusugan, kung regular ang pagkain nila matapos ang hapunan at kung natatakam ba sila sa mga junk food kung sila ay kulang sa tulog.

Sa pagtataya ng mga researcher, 60 porsIyento ng mga tinanong ang nagsabi na sila ay regular na kumakain ng snack matapos ang hapunan kapag nagpupuyat. At dalawa sa bawat tatlo ang nagsabi sila ay natatakam sa junk food kapag kulang sa tulog.

Ang pagkatakam sa junk food ay nagpapadoble naman sa tyansa na mag-nighttime snack ang isang puyat na nagpapataas ng tyansa na siya ay maging diabetic.

Ang mga respondent na mayroong junk food craving ay mayroon namang problema sa kalusugan katulad ng diabetes at obesity.

Patunay umano ito na mayroong kaugnayan ang kakulangan sa pagtulog sa obesity.

Read more...