KC nagpasalamat sa pagtanggap sa kanya ni Kiko…24 years ago
NA-TOUCH ang mga social media followers ni KC Concepcion nang mabasa ang birthday message nito para sa kanyang stepfather na si Sen. Kiko Pangilinan.
Na-celebrate ng kanyang kaarawan ang hubby ni Megastar Sharon Cuneta last Friday at isa nga sa mga bumati sa pamamagitan ng Instagram ay si KC na super happy din ngayon sa kanyang lovelife.
Nagpasalamat ang dalaga kay Sen. Kiko dahil sa pagturing sa kanya nito na parang tunay na anak.
Ipinost ni KC sa Instagram ang photo ng senador at nilagyan ng caption na, “Happy birthday, dad, I hope you like the book on health & longevity because with the knowledge, science & FARM that we have today we have no excuse but to go, grow & GLOW!!!
“Ok but on a more serious note [I love you] @kiko.pangilinan & thank you for choosing to have me in your life 24 years ago.”
Ang tinutukoy na libro ni KC ay ang kanyang birthday gift sa ama titled “The Longevity
Diet,” na sinulat ng Italian-American biologist-author na si Valter Longo.
Sa kanya namang Instagram Stories, binati muli ni KC si Sen. Kiko, “May you live long !
Take care of your health! Health is wealth! Happy birthday!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.