Kalabaw nagdulot ng aksidente sa kalsada sa Isabela, motorcycle rider patay

PATAY ang isang 23-anyos na lalaki matapos tumilapon sa kanyang sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng isang trak nang bumangga sa isang tumatawid na kalabaw sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela, kamakalawa ng gabi, ayon sa pulisya.

Nasawi ang biktimang si Christian Paragas, 23, ng bayan ng Benito Soliven, matapos magtamo ng mga pinsala sa ulo, sabi ni Senior Inspector Frances Littaua, Isabela police spokesperson.

Hindi napansin ni Paragas ang kalabaw, na nasugatan din sa nangyaring aksidente ganap na alas-7 ng gabi.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng trak na si Melanio Tabunar, 47.

Bagamat ang kalabaw ang dahilan ng aksidente, kinasuhan pa rin ang Paragas ng reckless imprudence resulting to homicide, dagdag ng pulisya.

Read more...