Bigas na may bukbok ligtas kainin matapos ang fumigation — NFA

SINABI ng National Food Authority (NFA) na ligtas kainin ang mga sako ng bigas na may bukbok kapag tapos na ang proseso ng fumigation.

Idinagdag ni NFA Spokesperson Rex Estoperez na una ang mga opisyal ng NFA, kabilang si Administrator Jason Aquino sa mga kakain ng bigas na may bukbok para patunayan na ligtas ang mga ito na kainin.

“Very safe ‘yan [for consumption], may instruction nga si NFA Administrator (Aquino) na once matapos ‘yang fumigation, ang una pong kakain n’yan ay mga taga NFA. Ipapakita natin sa publiko na ‘yung NFA officials at administrator ay kumakain ng nabukbok at nafumigate na bigas,” sabi ni Estoperez sa panayam ng Radyo Inquirer.

Nadiskubreng may bukbok ang mahigit 100,000 sako ng bigas na inangkat mula sa Thailand.

Ayon pa kay Estoperez, aabot ng pito hanggang 12 araw para patayin ang mga peste.

Igiit ni Estoperez na ang supplier ng bigas ang gagastos sa fumigation.

Read more...