Mga Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs Adamson
4 p.m. NU vs UE
Team Standings: FEU
(2-0); NU (1-0); UST (1-0); Adamson (1-0); La Salle (1-1); UE (0-1); Ateneo (0-2); UP (0-2)
HINUGUTAN uli ng tibay si Terrence Romeo para sungkitin ng Far Eastern University ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 79-75 overtime panalo ang defending champion Ateneo de Manila University sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.
Gumawa ng apat na free throws si Romeo matapos ang magandang rebound ni Roger Pogoy sa naunang play para maiwanan ng Tamaraws ang Blue Eagles na huling itinabla ang iskor sa 73-all.
Dalawang free throws ni Juami Tiongson sa foul ni Pogoy ang nagpatabla sa laro sa huling pagkakataon at sa sumunod na tagpo ay nagmintis si RR Garcia.
Ang bola ay tila hawak na ni Ryan Buenafe pero natapik ito ni Pogoy tungo sa undergoal shot. Naagawan ni Romeo si Nico Elorde tungo sa dalawang free throws bago pinawi pa ng batikang FEU guard ang dalawang puntos ni Gwyne Capacio sa dalawa pang birada sa charity stripes.
May 21 puntos, 9 rebounds, at tig-3 assists at steals si Romeo pero gumana rin ang iba pang guards ni FEU coach Nash Racela na sina Michael Tolomia at Garcia sa kanilang 16 at 13 puntos.
Lumasap ang Eagles ng ikalawang sunod na pagkatalo at nasayang ang ginawa na 29 puntos, 15 rebounds at 3 assists ni Buenafe.
Hindi pa rin nakasama ng Ateneo ang mahusay nitong guwardiya na si Kiefer Ravena para mangyari ang 0-2 start sa unang pagkakataon matapos ang 2003 season. Limang manlalaro ng La Salle ay naghatid ng hindi bababa sa 14 puntos para maigupo ang hamon ng UP, 96-84, sa unang laro.
Bumangon si Jeron Teng mula sa di magandang ipinakita sa overtime na pagkatalo sa UST, nang maghatid ito ng 20 puntos habang ang rookie na si Jason Perkins ay mayroong 20 puntos at 13 rebounds para maitabla ng La Salle coach ang baraha sa 1-1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.