Anne na-bad trip sa pagkalat ng ‘BuyBust’ online

NADISMAYA si Anne Curtis nang makarating sa kanya ang balitang may isang netizen na nag-upload sa social media ng full version ng pelikula niyang “BuyBust”.

Ipinadala kay Anne at sa co-star niyang si Brandon Vera ang link ng nasabing pelikula na may mensaheng, “Kuya @Verafied and @annecurtissmith, I’m randomly checking facebook and saw this. Might as well have your team check the page and the names. I reported it already as well. #NoToFilmPiracy.”

Agad naman itong ni-repost ni Anne na may caption na, “Kaloka! Ung mga ginagawa ito. Sana marealize nyo we worked on this film for 2 years. Tapos ganun lang?”

Sunud-sunod naman ang pagpo-post ng mga followers ni Anne sa social media ng kanilang reklamo hinggil sa pagpo-post ng buong pelikula sa internet. Kasabay nito, hinilin din ni Anne at ng produkyon ng “BuyBust” na i-report agad sa kinauukulan kapag may nagpadala o may nakita silang link ng full version ng movie.

Muling ibinalik sa mga sinehan ang “BuyBust” dahil na rin sa request ng mga manonood.

Pansamantala kasing tinanggal ang pelikula ni Anne dahil sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Read more...