#WalangNetworkWar: Bitoy, Vice, Ogie pinaligaya ang mga netizen

IKINATUWA ng mga social media followers ni Michael V ang pagpo-post nito ng litrato nila nina Vice Ganda at Ogie Alcasid sa Instagram.

Alam naman ng lahat na Kapuso si Bitoy habang sina Vice at Ogie ay napapanood naman sa Kapamilya Network kaya naman nang makita ng mga netizen na magkakasama ang tatlo sa isang event ay puro positibong komento ang kanilang ipinost.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes ang IG post ni Bitoy na may caption na, “Yung mas pa-girl pa ang smile namin kesa kay Vice.”

Parehong special guest ni Ogie sa kanyang 30th anniversary concert sa Araneta Coliseum nitong weekend sina Vice at Michael V.

Read more...