Angelica gigil na gigil sa matinding traffic: Suko na ako Pinas! I’m sorry!

“SUKO na ako, Pinas! Sorry!”

Ito ang nagsusumigaw na reklamo ni Angelica Panganiban sa palala nang palalang problema ng bansa sa traffic.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Angelica ang sitwasyon ng traffic sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City. Makikita rito ang bumper to bumper na daloy ng trapiko.

Dagdag na caption pa ng Kapamilya actress, “Kay laking parking lot ng Commonwealth. Free parking daw. Pero mawawalan ka ng trabaho in a while kasi hindi ka makakarating. Unless walkathon. Paano?”

Maraming nakisimpatya sa experience ni Angelica sa matinding traffic sa Commonwealth. Ayon sa ilang netizens, halos araw-araw daw ganu’n ang sitwasyon sa nasabing highway at nasanay na raw sila sa ganu’ng sistema.

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Angelica ang pelikula nila ni Carlo Aquino na “Exes Baggage” at malapit na ring magsimula ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Playhouse kasama si Zanjoe Marudo.

Read more...