Kyline, Bianca muling pinagsama ng GMA; plastikan lang ang pagbabati?

MATAPOS magbangayan ang kanilang fans sa nakaraan nilang mall show sa Iloilo City, patutunayan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara na walang namumuong hidwaan sa pagitan nilang dalawa!

Aba, matapos ang kontrobersiyal nilang pagsasama sa seryeng Kambal, Karibal, mapapanood muli ang dalawang Kapuso stars sa bagong episode next week ng Daig Kayo Ng Lola Ko, huh!

Siyempre, asahan na natin na hindi pa rin mawawala ang pang-iintriga sa kanila ngayong muli silang magsasama sa isang project.

Totohanan ba ang friendship nila o plastikan lang for the sake of work? Pero kung kami ang tatanungin, feeling namin friend and sisters pa rin ang turingan nina Bianca at Kyline, kahit nagbabanggaan ang iba’t ibang grupo ng kanilang fans.

Read more...