Lani pinayuhan si Morissette para hindi masira ang boses

MAGSASAMA for the first time sina Lani Misalucha at Morisette Amon sa “A Lani Morisette” concert sa Sept. 22 and 23 sa The Theater ng Solaire.

“Two years ago na po itong napag-isipan na magsama kaming dalawa ni Mori. Dahil nga po sa schedule. I am very grateful that finally it is going to happen. I am really privileged to be performing with a young lady over here who is half my age, hindi pala half, more than half,” say ni Lani.

Medyo paos si Morisette the day of the presscon kaya naman Lani was asked about her advice on maintaining her voice.

“Kahit kanino naman, kahit hindi siguro tayo singer, kailangan talaga natin ng enough rest. Marami rin akong kilala na sobra sa trabaho, hindi singers ito, ha, pero talagang they lack sleep. Talagang sisingilin ka.

“Nandiyan ‘yung talagang bababa ang resistensiya mo. Una, uubuhin ka nang konti at talagang magkakasakit ka na. Kapag hindi enough ang pahinga mo, hindi enough ang hours of sleep mo, ganoon talaga din ang mangyayari. Hindi naman yan makukuha ng vitamins lang,” she said.

Hiningi rin ang opinion niya about imagined or genuine competition between her and Morissette.

“Unang-una, hindi rin talaga natin mapipigilan ang mga tao kung ano ‘yung gusto nilang isipin o sabihin. May comments kasi unti-unti na kaming lumabas sa social media. ‘Wow, this is something to look forward to.’ Meron ding, ‘Wow, bakbakan ‘to!’ Mga ganoon kasi nga siyempre belter and belter.

Iyon talaga ang ie-expect ng mga tao, something really big at saka magtatagisan.

“Ang gusto lang natin mai-showcase sa lahat ng nag-e-expect ng ganoon is our show is going to be a lovely show. We are going to feature the story that happened to our lives, the adventures that we went through to reach this certain point in our lives, ‘yung buhay namin at saka ‘yung pagkanta namin.”

Read more...