Pauline Mendoza nabuking ang ‘sikreto’ ng ina

PUMANAW na ang ina ni Marlo Mortel matapos ang pakikibaka sa sakit na cancer.

Ipinakita pa ng aktor ang huli nilang palitan ng mensahe sa text ng nanay dahil kahit nagtatrabaho si Marlo eh, inaalala pa rin ang nakaratay na ina.

Ang isa pang artistang may inang may sakit ay ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza. May stage 3 breast cancer ang ina ng dalaga pero itinago raw sa kanila ng ina ang karamdaman niya.

Sa interview kay Pauline ng Tunay Na Buhay ng GMA News & Public Affairs, “Napansin ko po kasi lagi siyang pumupunta sa ospital. Lagi niyang kasama ‘yung friends. Magpapa-check up daw ‘yung friend niya, ‘yun pala, siya na ang tsine-check up. Nakakaloka.”

Nag-iisang anak si Pauline kaya alaga siya ng mga magulang. Dapat sana ay meron siyang kambal na kapatid na kuya pero pareho silang namatay matapos mabuhay ng ilang buwan.

Kaya naman sa tuwing mapag-uusapan ang inang may sakit, hindi maiwasan ni Pauline ang mag-alala at umiyak. Aniya, patuloy silang nagdarasal na sana’y tuluy-tuloy na ang paggaling nito matapos sumailalim sa ilang taong gamutan.

Read more...