Nakakainis na: Talakerang female personality dakilang user

NANANAHIMIK na ngayon ang isang female personality na dating bula nang bula ang bibig sa kage-guest sa iba-ibang programa para sumbatan-singilin ang isa niyang kaibigan na nagkautang diumano sa kanya.

Maraming dala-dalang dokumento ang babaeng personalidad. Pati ang pagpapalitan nila ng mensahe sa text ng negosyanteng sinisingil niya ay ipinakopya ng female personality at saka niya inilagay sa isang folder.

Kuwento ng aming source, “Ewan naman kung bakit nagkaganu’n ang babaeng ‘yun, samantalang nu’ng close pa sila nu’ng businesswoman, e, kung anu-ano ang hinihingi niyang regalo du’n sa tao?

“Naiinis nga sa kanya ang dating manager niya, alam na alam kasi nu’n kung paano binigyan ng mga branded stuff nu’ng businesswoman ang dating alaga niya.

“Sabi niya sa girl, ‘Magkano lang ‘yang sinisingil mo, maliit lang! E, ang mga nakuha mo naman mula sa kanya, kumusta naman?’ Napakaraming regalong hiningi ng babaeng ‘yun sa friend niya!

“Kapag may new arrivals ng mga branded bags, agad na siyang nakalambing sa negosyante, gustung-gusto raw niya ‘yun! Ang businesswoman naman, agad nang magpapadala sa kanya!

“Pero nagkautang sa kanya, hindi naman tinalikuran ng negosyante ang kakulangan pang payment sa kanya, e, nag-ikot na siya sa kung saan-saang programa para siraan ang dating friend niya!

“Talak na siya nang talak, idinedenay pa niya ang mga regalong hiningi niya sa negosyante. Meron ba namang kaibigang ganu’n? Sana, naghintay na lang siya, anyway, hindi naman siya tatakbuhan nu’ng taong sinosyohan niya ang negosyo!” naiinis na kuwento ng aming source.

Puro utang ang lumalabas sa bibig ng female personality habang nag-iingay siya, pero kumita na pala siya nang milyones, hindi niya sinasabi ‘yun.

“Ang totoo, e, milyones na ang kinita niya sa halagang ipinangsosyo niya sa kaibigan niya, pero ang focus lang niya, e, ang singilin ang kulang pa sa puhunan niya!

“Nakakainis talaga ang babaeng ‘yun, user siya, ipinaglihi siya sa manggang hinog dahil manggagamit siya!” naiinis pa ring pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, naiinis na rin ba kayo sa female personality na ito?

Read more...