Kris kabogera sa Crazy Rich Asians: ‘Wag kayong maniniwala na extra lang siya!!

NAKAKUWENTUHAN namin nu’ng isang umaga si Attorney Jess Falcis, isa sa mga anchors ng programang “Boljak” ng Radyo 5, maraming kuwento ang kasamahan naming abogado tungkol sa pelikulang “Crazy Rich Asians” na pinanood agad nito sa unang araw pa lang ng pagpapalabas dito sa atin.

May limang minuto raw ang itinagal ng exposure ni Kris Aquino sa Hollywood movie, hindi raw dapat paniwalaan ang balitang tatlong minuto lang ang ibinigay kay Kris sa pelikula, lalong hindi raw dapat tinatawag na dakilang extra ang aktres-TV host.

“Very pivotal ang role ni Kris, kailangan siya sa istorya, mahalaga ang papel na ginampanan niya,” unang paglalarawan ng abogado sa role ni Kris.

May dialogue, mahaba-haba rin ang exposure, ayon kay Attorney Falcis ay hindi kinawawa si Kris sa pelikula. Binigyan siya ng pagpapahalaga sa proyekto.

Bonggang-bongga raw ang isinuot na gown ni Kris, dilaw na dilaw at bagay na bagay sa kanya, pagkukuwento pa ng batambatang abogado.

Ginampanan ni Kris ang role ni Princess Intan, dumalo siya sa kasal ng bumibidang si Rachel, hindi puwedeng isnabin ang eksena ni Kris sa kasalan.

Sabi nga ni prop, “Napanood ko na ang movie, akala ko rin, e, extra lang si Kris sa pelikula, pero hindi. Importante ang papel niya, siya ang nagtanggol kay Rachel na isang Asyanang tinitingnan nang maliit ng iba.

“Saka kahit ano pa ang sabihin ng mga bashers ni Kris, e, wala na silang magagawa. Siya ang nakakuha sa role, siya ang Pinoy na napili, kaya kahit anong pintas pa ang gawin nila, e, nagka-Hollywwod movie na si Kris!

“Dream ng lahat ng artista ang mapasama sa isang Hollywood movie, kay kabog sila ni Kris Aquino!” komento ni prop.

Read more...