Isa ang Goyo sa pinakamalaking pelikulang nagawa ko! – Carlo

FOREVER thankful si Carlo Aquino sa producers and production ng historical film na “Goyo: Ang Batang Heneral” starring Paulo Avelino, directed by Jerrold Tarog.

Isa si Carlo sa mga masuswerteng napili na maging bahagi ng nasabing pelikula para muling ipaalala sa madlang pipol ang kahalagahan ng ating kasaysayan.

“Grateful kasi isa rin ito sa pinakamalaking pelikula na ginawa ko this year. Tapos magki-create siya ng awareness tungkol sa history, kung ano ang nangyari noon sa Battle of Tirad Pass,” sabi ni Carlo sa presscon ng “Goyo”.

Siya ang gaganap bilang Col. Vicente Enriquez, isa sa survivors ng Tirad Pass at kababata ni Gregorio del Pilar. Showing na sa mga sinehan ang “Goyo” sa Sept. 5.

Read more...