Wish ni Ria Atayde tinupad ni Direk Cathy

“FIRST time ko with direk Cathy (Garcia-Molina), I told her naman na she’s one of my bucket list directors going into showbiz. Naunahan ko si Mommy (Sylvia Sanchez) and Arjo (Atayde) na makatrabaho siya, o di ba for once nauna ako?”

Ito ang masayang sabi sa amin ni Ria Atayde sa media day ng pelikulang “The Hows Of Us” kamakailan.

Natanong kasi ang iba pang cast member ng pelikulang pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung ano ang masasabi nila kay Direk Cathy na first time nilang makakatrabaho, nakatikim ba sila ng sigaw na naging trademark na ng direktor?

Ayon kay Ria hindi naman siya nakatikim ng sigaw, “Nope. Ha-hahaha! It’s an honor and ang dami ko pong natutunan. Professional student po kasi ako and si direk is very precise with what she wants. So maganda ‘yung you work together to get that perfect vision.”

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Truth to be told, medyo nahirapan po sila (staff) sa schedule ko pero nagawan ng paraan kasi nga gusto ko talaga ‘yung project at gusto kong makatrabaho si direk Cathy.”

Kunsintidorang bestfriend ni Kathryn ang karakter ni Ria sa “The Hows Of Us” bukod pa sa magkasama sila sa trabaho.

Masaya ring sinabi sa amin ni Ria na naaliw siya kina DJ at Kath, “KathNiel is fun to work with. They’re cute and nakakakilig.”

Hmmmm, loveless kasi si Ria ngayon at mas may edad siya sa dalawa kaya baka naaalala niya ang mga panahong may karelasyon siya habang pinanonood ang lambingan ng KathNiel.

Anyway, hindi rin naman prayoridad ni Ria ang magkaroon ng boyfriend sa ngayon dahil abala siya sa taping ng teleseryeng Halik mula sa RSB unit at one of the boys siya sa serye bilang engineer sa kumpanya ni Jericho Rosales.

Pero hindi raw siya lesbian dito, “Lagi lang ako naka-pants kasi puro guys ang kasama ko.”

Mapapanood na ang “The Hows Of Us” sa Agosto 29 mula sa Star Cinema. Kasama rin dito sina Alwyn Uytingco, Kit Thompson, Juan Miguel Severo at Darren Espanto.

Read more...