Jo Berry star na star sa Kadayawan Festival ng Davao

UNFORGETTABLE experience para sa Onanay lead star na si Jo Berry ang nakaraan niyang regional mall show sa Davao para sa 33rd Kadayawan Festival kung saan nakasama niya ang co-stars na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral at Enrico Cuenca.

Aniya, hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga DavaeƱos kaya naman taos-puso rin ang pasasalamat niya sa mga ito.

Jampacked ang naturang mall show na ginanap sa Gaisano Grand Mall Toril sa Davao. Talagang nag-enjoy ang mga taga-Davao sa mga sorpresang dala ng Onanay cast.

Ibig sabihin lang nito, talagang in na in ngayon ang small but terrible na na si Onay.

Napapanood pa rin ang Onanay sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol. Kasama pa rin dito sina Superstar Nora Aunor at si Cherie Gil.

Read more...