₱6.4M jackpot ng Lotto 6/42 nakuha sa Makati

NASUNGKIT ng isang tumaya sa Makati City ang P6.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 Huwebes ng gabi.

Tinayaan ng lucky winner ang winning number combination na 15-13-16-01-36-22.

May isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanalo naman ng tig-P25,000 ang sampung mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P650 naman ang 692 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P20 naman ang 12,881 mananaya ang nakatatlong numero.

Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...