NAGREKLAMO ang isang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT3) matapos siyang singilin ng ‘overstaying charge’.
Sinabi naman ng MRT3 na dalawang oras lamang maaaring manatili sa paid area ang mga pasahero.
Ito ay matapos na magreklamo sa social media ang pasaherong si Miriam Cabiles na siningil ng ‘overstay charge’ matapos siyang na lumagpas sa dalawang oras.
“Please note that the MRT-3 allows a passenger to stay within the paid area for a maximum of 2 hours (not 1 hour as stated in Ms. Cabiles’s post). Prescribing a maximum stay period is a standard railway operating procedure that is implemented for security reasons and to avoid the turn back of passengers,” saad ng MRT 3 sa isang pahayag.
Pumasok sa paid area ng MRT si Cabiles noong Agosto 22, alas-7:17 ng umaga. Ayon kay Cabiles nakasakay siya ng tren alas-8:45 ng umaga.
Mula 7:17 ng umaga, dumaan sa Cubao station ang 10 regular na tren at dalawang skip train.
Ang unang skip train ay dumating alas-7:25 ng umaga. Konti lamang ang sakay nito mula sa GMA-Kamuning station.
Alas-8:06 ng umaga naman dumating ang ikalawang skip train na nagsimula lamang magsakay sa Quezon Avenue station.
Nagtataka ang MRT kung bakit hindi nakasakay si Cabiles.
Kung dumating umano si Cabiles ng Buendia station alas-9:15 nagtataka naman ang MRT kung bakit umabot ng 13 minuto bago niya itinap ang kanyang Beep card ng 9:28 ng umaga. Nakalabas siya ng paid area alas-9:33 ng umaga matapos niyang magbayad ng overstaying charge.
“Ms. Cabiles was the only passenger who boarded in Cubao Station and alighted in Buendia Station who was charged the overstay charge. It is still being investigated why the other passengers that entered Cubao Station at the same time as Ms. Cabiles and exited at Buendia Station at the same time as Ms. Cabiles were not identified by MRT-3’s Automated Fare Collection System for having overstayed. It appears unlikely that Ms. Cabiles was the only passenger that boarded in Cubao Station and alighted in Buendia Station at that time.”
Noong Agosto 22, 12 pasahero ang nagbayad ng overstaying fee. Umabot sa 341,452 pasahero ang naserbisyuhan sa naturang araw.