Daniel sa pagdadamit ng seksi ni Kathryn: Hindi naman bastusin, tsaka nasita ko na!

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

When Daniel Padilla makes movies or teleseryes, ang palaging natatanong sa kanila ni Kathryn Bernardo ay kung nag-mature na ang roles nila.

Ito rin ang observation ni Daniel, “Kung napapansin ninyo, every time may ginagawa kaming pelikula there is always the question na how mature is this movie. Lagi nilang tinatanong sa amin kung gaano ka-mature.

Well, hindi naman talaga siya ganoon ka-mature na pang-matanda.

“Kagaya ng ‘Barcelona’, I think tama lang ‘yun sa edad namin at saka sa panahon kasi ako, bente tres na ako. Naghahanap din kami ng may laman na, ‘yung may content na puwede kang, na credible ‘yung proyekto mo.

“Dahil may mga serye na rin kami, okay na kami doon sa platform na mas light. Pagdating sa pelikula gusto namin ng it’s worth watching na matanda, bata ay may laman ang pinapanood,” say ni Daniel sa presscon ng latest movie nilang “The Hows Of Us” directed by Cathy Molina.

Itinanggi ng actor na minamadali ang pag-mature nila ni Kathryn.

“Hindi naman sa minamadali. Sakto lang sa panahon dahil parang naghahanap din kami ng iba. Hindi naman pinipilit maging mature. ‘Yung maturity naman is in terms of decision making, sa relationship. Hindi naman siya pinipilit na tumanda. Saktong-sakto lang sa edad namin ngayon, sa personal naming buhay,” say ng aktor.

When someone asked Kathryn if she’s shedding off her wholesome image dahil medyo nagpapakita siya ng skin sa kanyang outfit ay ipinagtanggol ni Daniel ang dyowa niya for five years.

“I don’t think naman shedding. Hindi naman nawala ‘yung wholesomeness. I think it’s just growth. Tumatanda na rin naman si Kathryn. Pangalawa, hindi naman bastusin tingnan kasi bago maging bastusin nasita ko na siya. It’s really normal, walang bastos, walang maselan tingnan. Talagang it’s normal.”

Read more...