Kaya bang kabugin ni Jameson ang akting ni Joshua?

JAMESON BLAKE AT JOSHUA GARCIA

Umarangkada agad sa rating ang bagong teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Ngayon At Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Bukod sa malaki talaga ang fan-base ng JoshLia loveteam, kabugera agad ang pilot episode ng serye nila.

Walang duda na na-miss talaga sina Joshua at Julia ng kanilang fans dahil tinutukan talaga nila ang pagsisimula ng Ngayon At Kailanman.

Napanood namin ang pagsisimula at pamumukadkad ng tambalan nina Joshua at Julia, and so far, they have not failed me yet sa mga materyal, pelikula man o serye, na nilalabasan nila.

At dito sa Ngayon At Kailanman, may bonus pa kami because of Jameson Blake. Gwapo na, marunong pang umarte. Kaya kung tutulog-tulog si Joshua sa mga eksena nila ni Jameson sa serye, baka magising na lang siya na si Jameson na ang bukambibig ng televiewers.

Say ni Jameson, pinaghahandaan daw talaga niya ang mga eksena nila ni Joshua, “Well, yeah and I’m expecting we’re gonna have a lot of good scenes. (I’m) really looking forward to it. I’m really happy to work with him,” lahad ni Jameson.

Tinanong din namin si Jameson kung kaya ba niyang kabugin sa aktingan if ever may confrontation scenes sila nila ni Joshua, “I’m not trying to get better. Maybe siguro to get to his level lang muna. Ha-hahaha!”

Ni-reveal ni Jameson sa amin na sa latter part pa ng Ngayon At Kailanman ay pwedeng maging ka-love triangle siya sa characters nina Joshua at Julia sa serye. So, we asked him again if he’s ready to be bashed by JoshLia fans. “Oo, e,” ngiti niya. “Sanay ako. Joke! Joke lang.”
In fairness kay Jameson, sunud-sunod ang malalaking movie projects niya at karamihan dito ay malakas ang hatak sa takilya.

“Well, blessing talaga. Like parang ‘yung feeling na may tiwala sila sa ‘yo to take the role na they’re giving, ‘di ba? So, kahit bida or you know, it’s really a good feeling. Kasi everyone is depending on you. So, ayun, I’m happy.”

Possible that he will be the next leading man na igu-groom ng Kapamilya Network.

“Well, hindi ko alam, e. I don’t really know what I’m feeling. I’m just like feeling the flow right now. Pero I’m happy na parang paangat nang paangat ‘yung, I mean, sunud-sunod ‘yung projects ko. So, I’m happy. I’m really happy.”
Napapanood ang Ngayon At Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN gabi-gabi pagkatapos ng Ang Probinsyano.

Read more...