Dasal ni Sharon: Sana si Pierre na ang ‘forever’ ni KC

PIERRE-EMMANUEL PLASSART AT KC CONCEPCION

APRUB kay Sharon Cuneta ang bagong boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Plassart. Si Pierre ang isang French filmmaker and businessman na nakilala ni Megastar noon pang 2011.

Sa kanyang social media account ay nag-post si Mega ng larawan ni KC kasama si Pierre with matching heart, star and praying emojis. Hoping si Sharon na maging maganda ang takbo ng relasyon ng dalawa.

Naglahad din ng kanyang damdamin si Sharon sa internet para mamili kung kanino siya boto between KC’s current boyfriend at sa ex nitong si Aly Borromeo. Maraming beses nang nakasama ni Mega sa mga importanteng okasyon sa kanilang pamilya si Aly through KC.

Sagot ng actress-TV host sa netizen na nagtanong, “I and our family will always love Aly. He will always still have a family in us. Napakadisente at bait din niya. But you cannot force something that isn’t meant to be. I pray he finds the right one for him too.”

“Move on to the next. Lalo kung si KC, laging may pila. Kesa pilitin tapos hiwalay lang,” lahad pa ni Mega.

Read more...