‘Modus’ ni female celeb nabuking dahil sa menudo at adobo

MAHILIG maglambing sa kanyang mga amiga ang isang female personality na binagsakan ng suwerte nang makilala ang kanyang guwapong anak. Hindi lang biglang gumanda ang kabuhayan showcase ng babaeng personalidad kundi naambunan pa siya ng popularidad ng kanyang bagets.

Natural, dahil sikat nga ang kanyang dyunakis, maraming kaibigan niya ang gustong mapalapit sa bagets. Kung pumipila pa ang iba para lang makapagparetrato sa tabi ng guwapong aktor, sila nga naman ay makakapag-short cut na, sa tulong ni mother.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, gustong pasayahin ng mga amiga niya ang bagets, kaya kung anu-ano ang ibinibigay nila. Regalo dito, regalo du’n, mapalapit lang sila sa bagets actor.

“Heto na. Magaling sa ganyan ang mommy niya, gagamitin niya ang pagkakataon, kaya madalas siyang maglambing ng kung anu-anong food sa kanyang mga amiga. Kesyo gusto kuno ni bagets ang menudo, kare-kare, adobo at kung anu-ano pang mga lafang!

“Padala naman nang padala ng mga pagkain ang mga amiga niya, siyempre! E, gustung-gusto pala ‘yun ng bagets, e, di give! Ano ba naman ang ulam, walang problema, sabi ng mga amiga niya!” bitin na unang chika ng aming impormante.

Heto na. One day, isang araw, nabuking ng mga amiga niya ang gimik ni mother. Nakasabay ng mga ito sa isang parlor ang isang babaeng ehekutibo ng network na pinagtatrabahuhan ng kanyang bagets.

“Hindi sila puwedeng magkamali, kilala nila ang lady executive ng network, pero mas kilala nila ang bonggang bag na pinaglagyan nila ng food para sa bagets actor. Nasa tabi ‘yun ng boss, paano napunta sa kanya ‘yun?

“Buking ang gimik ni mother, ‘yun palang mga food na nilalambing niya sa kanyang mga amiga na para kuning-kuning sa anak niyang famous, e, ipinangreregalo niya sa mga bossing ng network!

“Kesa nga naman sa gumastos pa siya para sa pagpapalapad niya ng papel, e, di manggaling na lang sa mga amiga niya ang food, wala siyang gastos!

“Magaling! Magaling talagang gumimik si mother! Panalo ang mga kadramahan niya, pero buking na buking na ngayon ng mga amiga niya ang drama niya!

“Hala, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kayo pa ba naman ang mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Kilalang-kilala n’yo kung sino si mother!

Read more...