Kris may hinahandang matinding pasabog kaya mananahimik muna sa social media

KRIS AQUINO

Tanong ng bayan ngayon—mapanindigan kaya ni Kris Aquino ang kanyang desisyon na dumistansiya muna sa social media? Si Kris, na araw-gabi ay may kuwento sa kanyang IG, si Kris, na parang hindi mabubuhay nang hindi naglalabas ng kanyang mga nobela sa social media, biglang babaklas muna?

Parang teka lang naman muna, makakaya nga kayang pangatawanan ni Kris ang kanyang mga sinabi? ‘Yun ang pinakahuling desisyon niya, ang umabsent muna sa class, para hindi raw nababantayan-nababasa ng mga taong ayaw sa kanya ang lahat ng kanyang mga galaw.

Sa isang banda ay tama lang naman ang kanyang sinabi na dapat ay hindi nasusundan ng publiko ang mga nagaganap sa kanyang buhay. Kailangan niya namang magtira ng ibang detalye na para sa kanya lang.

Nagtatanungan ang kanyang mga tagasubaybay at kaaway, ano ang dahilan ng pansamantala niyang pamamaalam sa social media, meron ba siyang pinaghahandaang malaking laban?

Nakakaalarma nga naman ang biglaan niyang desisyon, ano ba ang kailangan niyang hindi ipagmakaingay, meron kaya siyang pinupuntiryang aksiyon na ikagugulat na lang natin?

Malaking palaisipan ang ginawa ng aktres-TV host, naguluhan ang mga taong wala nang ginawa kundi ang bimbangin siya araw-araw, ano ito?

Abangan!

Read more...