Paulo masaya para kay KC: Ako matagal nang happy!

KC CONCEPCION AT PAULO AVELINO

Ready si Paulo Avelino na makatrabaho in the future ang former girlfriend niyang si KC Concepcion. Pareho nang may kanya-kanyang lovelife ang dalawa.

“Wala naman akong problema working with any of them as long as maganda ‘yung proyekto,” sabi ng aktor.
Nang tanungin about KC’s new found love (Pierre Emmanuel Plassart), mukhang hindi updated si Paulo, “Ah mayroon na? I didn’t know,” gulat na sagot ng binata.

“Ang importante naman masaya sila lagi. ‘Yun nga yung sinasabi natin na we should always be happy, basta happy, very happy,” dagdag niya.

Balitang idine-date ni Pau ang Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

“Matagal na akong happy. Happy naman ako sa trabaho,” ang pahayag pa ng aktor.

Ngunit nang matanong tungkol sa kasal, hindi pa raw niya nakikita ang sarili na may asawa, “Not anytime soon.”

Read more...