Never say die peg ni ex-Gov | Bandera

Never say die peg ni ex-Gov

Den Macaranas |August 24,2018
facebook
share this

Never say die peg ni ex-Gov

Den Macaranas - August 24, 2018 - 12:10 AM

PARANG miyembro ng Brgy. Ginebra ang isang dating gobernador mula sa Central Luzon dahil sa kanyang never say die na peg.

Hanggang ngayon kasi ay umaasa si Gob na mailalagay siya bilang pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Kaya lang ay malabo sa ngayon na makuha nya ang inaambisyong pwesto dahil malakas din ang kapit sa pwesto ng kasalukuyang lider ng naturang tanggapan.

Sinabi ng ating Cricket diyan sa Subic na ilang beses nang inilatag ni Gob ang kanyang programa sa isang top government official na malapit kay Pangulong Duterte.

Ito ay sa pag-aakalang makakarating sa Pangulo ang kanyang panalangin na pamunuan at gawing bagong economic hub ang SBMA.

Ipinaliwanag ng ating Cricket na dati ay target ni Gob na masungkit ang posisyon bilang secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Pero natalo ang kanyang ikinampanyang presidential candidate noong halalan kaya lumipat siya ng pwesto sa nanalong pangulo.

Ang akala ni Gob ay super close na siya sa mga bagong residente ng Malacanang pero ang totoo ay hindi pala.

Iyun daw ang dahilan kung bakit hindi maibigay sa kanya ang target na pwesto sa SBMA sa kabila ng magaganda niyang presentation sa isang powerful na Cabinet secretary.

Ilang beses na rin daw na humingi ng audience sa Pangulo si Sir pero hindi pa rin siya kinakausap nito at hanggang sa hi and hello lang ang nagaganap sa tuwing sila ay naghaharap.

Bukod sa SBMA ay inambisyon din ni Sir na bumalik sa pwesto bilang gobernador pero hindi na raw ito kaya ng kanyang naipon na pondo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating gobernador ng isang lalawigan sa Central Luzon na gustong maging pinuno ng SBMA ay si Mr. R….as in Ronda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending