Mike Enriquez may sakit sa kidney, ooperahan sa puso

NAGBIGAY na ng opisyal na pahayag ang brodkaster na si Mike Enriquez matapos naman ang pagkawala niya sa ere sa harap ng dumadaming katunungan kung bakit matagal-tagal na siyang wala sa mga programa sa radyo at telebisyon na kanyang pinaglilingkuran.

“Ako po ay kasalukuyang naka- medical leave. Ginagamot ang aking kidney at ako ay nakatakdang sumailalim sa operasyon sa puso sa Setyembre. Ayon sa aking mga doctor, makababalik ako sa aking normal na trabaho mga dalawa hanggang apat na linggo pagkatapos ng operasyon. Pinayuhan ako na magpahinga at magpalakas para makaiwas sa anumang emergency hanggang ako ay maoperahan. Habang wala ako sa himpapawid, patuloy kong tinutupad ang aking mga responsibilidad bilang president ng RGMA Network, Inc. at bilang Consultant For Radio ng GMA Network, Inc.,” sabi ni Enriquez.

“Nagpapasalamat po ako sa mga nagpahayag ng suporta at lalo na sa mga nagdarasal para sa aking paggaling. Magagaling at maalaga ang aking mga doctor at napakabait at mapagmahal ng Poong Maykapal! Babalik po ako!” dagdag ni Enriquez.
Naglabas din ng pahayag ang GMA Network kaugnay ng pagkawala sa ere ni Enriquez.
“GMA Network is one with our Kapuso Mike Enriquez in facing this challenge. We fully support him and are praying for his successful surgery and quick recovery. Together with our viewers all over the world, his friends and colleagues here in GMA look forward to welcoming back a healthier and stronger Mike Enriquez soon,“ sabi ng GMA Network.

Read more...