Direk Cathy Molina iniwasan ang sex sa ‘The Hows of Us’ nina Kathryn at Daniel

HINDI kailangan ng “sex” sa bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo under Star Cinema, ang “The Hows Of Us”.

Paliwanag ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina, mature ang tema at kuwento ng “The Hows Of Us” pero hindi raw kailangang magkaroon ng love scene ang KathNiel para ipakita na nag-level na sila bilang aktor at aktres.

“Mature ang movie, level-up ang characters kasi I think they have never dwelt on anything like this kasi bawal dapat, matigas lang po ang ulo ko. In fact pinagbawalan po ako, pinapangako lang po ako na hindi ko pupuntahan ang hindi dapat. Hindi ko pinuntahan ang hindi kailangan, halimbawa sex, kaya kong magkwento about a relationship without it.

“Siyempre madidiri naman ako sa sarili kong panoorin ang dalawang ‘to at idirek sa ganoong klase ng eksena. And I’m proud to say na we were able to make a movie about relationship without it. Kasi hindi naman iyon ang kwento ko namin, kasi hindi naman kinakailangan iyon.

“So I’m proud to say na nakagawa kami ng movie na pwedeng pumasok ang mga anak n’yo, kasi at the end of the day it was wholesome,” paliwanag ni Direk Cathy.

Ayon naman kina DJ at Kath, ang “The Hows Of Us” ay kuwento ng dalawang taong nagmamahalan na daraan sa matitinding pagsubok – at hanggang saan nila kayang ipaglaban ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sey ni Kathryn, “This is about a couple, in a long-term relationship and ‘yung tanong dito, ano bang reason mo to stay in that relationship, or sa trabaho mo na matagal mo nang ginagawa, anong dahilan para mag-stay ka pa doon?”

Sabi ni DJ, malapit sa kanila ni Kath ang kuwento ng “The Hows Of Us” dahil parang nasa long-term relationship na rin naman sila ng dalaga. Sana raw ay maraming matutunan ang mga kabataan sa kanilang pelikula.

Perfect daw ito sa mga taong madaling bumitaw sa mga pinagdaraanang pagsubok, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon. “Parang worth it pa bang ipaglaban? Tama bang ipagpatuloy pa, dito mapapanood nila kung ano ‘yung gagawin namin para masagot ang mga tanong na yan,” sabi pa ni Daniel.

Samantala, saludo naman si Direk Cathy kay Daniel dahil sa pagsuporta nito sa unang proyekto ni Kathryn na hindi siya ang kasama, ito ay ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na “Three Words To Forever” na siya rin ang magdidirek.

“In fairness to Daniel, he’s very supportive to Kathryn naman. Siya naman ay very open, silang dalawa actually very open na magkaroon ng growth independently ang bawat isa,” ang chika ng blockbuster director.

Hirit pa nito, “Hindi naman sila package deal, di ba? Dapat lang ano kasi Kathryn is Kathryn, hindi naman KathNiel ipinanganak. And Daniel will be very happy na makita si Kathryn to blossom on her own.”

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Aug. 29 ang “The Hows Of Us.” Makakasama rin nina Kathryn at Daniel dito sina Darren Espanto, Kit Thompson, Ria Atayde at marami pang iba.

Read more...