Male vocalist pinalungkot ang dapat sana’y masayang party

MINSAN pang nagpairal ng kaangasan ang isang pamosong male vocalist na matagal nang nagpapalutang ng kakaibang ugali kahit saan at kahit kailan. Tingin kasi ng mokong na ito sa kanyang sarili ay sa kanya lang nakatutok ang buong mundo dahil super-guwapo at super-galing siya.

Nang imbitahan sa isang corporate show ang may kaangasang bokalista ay maraming nainis, nagsisi, dahil bakit daw kasi siya pa ang pinakanta sa kanilang party.

Kuwento ng aming source, “Di ba, dapat, e, masasaya ang lahat ng nandu’n dahil party nga ‘yun, di ba? Panahon sana ‘yun para sa pagsasaya nila, pagmamam, dahil wala silang trabaho.

“Pero killjoy ang naimbitahan nilang performer, nu’ng may umakyat sa stage para siya ibeso, e, sumimangot siya nang walang patumangga, halatadong inis na inis siya, ayaw niya kuno sa ganu’n!

“Ang gusto pala niya, e, basta kakanta lang siya nang kakanta kasama ang banda niya, hanggang du’n lang, walang kahit anong audience participation dahil hindi nga raw siya ganu’n klaseng performer.

“So, ang nangyari, nainis sa kanya ang audience, hindi na siya pinansin, naging malungkot tuloy ang party na dapat, e, panahon para sa pagsasaya ng mga empleyado ng company,” napapailing na chika ng aming source.

Kahit nu’ng nasa dressing room pa lang daw ang may kayabangang male vocalist ay palaging sarado ang kanyang pinto. Baka raw kasi may magpuntahang mga faney, ayaw raw talaga niya sa ganu’n, tahimik na kapaligiran kuno ang gusto niya.

“E, bakit pa siya hindi umaalis sa trabaho niya? Di mamuhay na lang siya nang tahimik, tutal, ‘yun naman pala ang gusto niya? Bakit kumakanta pa rin siya, bakit patuloy pa rin siyang nagtatrabaho, e, hindi naman pala siya masaya kapag nilalapitan siya ng mga fans?

“May sariling mundo talaga ang taong ‘yun, tama ang kuwento ng mga ka-contemporary niya na puwede siyang tumira sa ibang planeta, dahil siya lang ang nakakaintindi sa sarili niya!

“Naku, ang sarap niyang palu-paluin at latayan ng bagong kayas na kawayan! Kayo na nga ang bahala sa kanya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sino ang maangas na bokalistang ‘yan!” nakasimangot na pagtatapos ng aming source.

Read more...