INAMIN ni Pangulong Duterte na nakakaramdam siya sobrang sakit na kanyang nakuha matapos maaksidente sa motorsiklo.
“Eh because ‘yung sa disgrasya ng motor. I have a C4 and C7 na nag-impinge. That’s why I am in perpetual pain. On the — on any day, it’s 7 in a scale of 10. Eh ayaw na ng doktor na sige ng painkiller, sabi niya, ‘You better come to terms with your body,’” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Cebu City noong Martes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na tutol na rin ang kanyang long time partner na si Honeylet Avancena na operahan pa siya.
“So ano na ako ‘yung threshold ko sa pain medyo nagtabla-tabla na. I do not… Ayaw na ng asawa ko kasi nurse. Ayaw rin niya akong paoperahan kasi OFW ‘yung asawa ko, nurse, marami siyang nakita na operations like that, procedures going awry. Mali-mali ba,” dagdag pa ko Duterte.
“Now you can never know. ‘Pag may naputol diyan na… ‘Sus kung ‘yun na — C7, kung ‘yun ang maputol, isang nerve doon, putulin mo ‘yung release ng train niya. Eh naka-parking na lang ‘yung train doon sa ano, wala na, di na mag-biyahe. It’s all brain eh,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na may babala naman ang kanyang doktor kaugnay ng napinsalang bahagi ng katawan.
“Iyan ang panakot ng ibang doktor. Sige, sige, sabi niya, Pag na-disgrasya ‘yan, there are so many nerves there. ‘Pag naputol ‘yan, goodbye ka,” kwento ni Duterte.