Ken Chan ibinuking ang nanay: Idol na idol niya si Ms. Lilet

EXCITED na si Ken Chan na makatrabaho ang nagbabalik-Kapuso na si Lilet sa upcoming GMA series na My Special Tatay.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ken na idol ng kanyang ina si Lilet noon kaya tuwang-tuwa ito nang malamang ang seasoned actress ang gaganap na kanyang ina sa serye.

Bibigyang-buhay ni Ken ang karakter ni Boyet, isang binatang may mild intellectual disability na haharap sa hamon ng pagiging isang ama.

Makakasama rin sa serye sina Arra San Agustin, Jillian Ward, Bruno Gabriel, Teresa Loyzaga, Candy Pangilinan at Carmen Soriano.

Ngayon pa lang ay atat na ang mga Kapuso viewers na mapanood ang isa na namang heart-warming at makabuluhang serye ng GMA na mapapanood na very soon.

Read more...