KARAMIHAN sa mga Pinoy ay dismayado sa mataas na halaga ng kuryente sa bansa, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Sinabi ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda na two-thirds ng mga Pinoy ang nagsabi na mabigat na gastusin ang pambayad sa electricity rates.
Base sa resulta ng Ulat ng Bayan Survey, umaabot sa 60-porsiyento ng respondents ang nagsabi na “not satisfied” sa presyo ng kuryente samantalang 29-porsiyento naman ang nagsabi ng “somewhat dissatisfied” at ang natitirang 31-porsiyento ang sumagot ng “very dissatisfied”.
Gamit ang 1,800 respondents na may nationwide error margin na plus-minus 2.3 percent, isinagawa ang nasabing suervey noong Hunyo.
Sa naturang survey ay 27-porsiyento ng mga respondents ang nagsabing sila ay “satisfied” samantalang 14 percent naman ang “undecided”.
Karamihan sa mga “dissatisfied” ay galing sa National Capital Region o Metro Manila.
Ang Meralco ang siyang nagsu-suplay ng kuryente sa 36 na lungsod, 75 mga munisipyo sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng Meralco na isa ang Pilipinas sa may pinakamababang singil sa kuryente sa buong Asya.