Kyle Velino ng Star Magic handang magpakita ng katawan

SIMPLE pero suwabe kung umarte ang baguhang aktor ng Star Magic na si Kyle Velino.

Matangkad, guwapo, mestiso at maganda ang katawan ni Kyle. Una siyang napanood sa teleseryeng The Good Son bilang kaibigan at sidekick ni Jerome Ponce. Dalawang beses na siyang bumida sa Ipaglaban Mo at nakalabas na rin sa Maalaala Mo Kaya.

Galing sa isang maayos na pamilya pero kapag nakakuwentuhan mo ang binata about his family, you’ll cry dahil ibang klase rin ang pinagdaanan niya sa buhay. Balita nga namin ay mukhang pinag-aaralan na ngayon ng MMK kung paano aayusin ang kuwento ng buhay ni Kyle kapag pumayag ito.

Isa rin si Kyle Velino sa mga aabangang bagets stars sa inaabangang seryeng PlayHouse na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo under GMO Unit kasama sina Kisses Delavin at Donny Panglinan.

But when asked if ready ba siyang magpakita ng kanyang kaseksihan in his future projects, naging diretsahan naman ang papasikat na aktor sa pagsasabing nakahanda na siya anytime!

Read more...