Mega botong-boto sa bagong dyowa ni KC; gusto na nga bang magkaapo?

BOTONG-BOTO si Megastar Sharon Cuneta sa bagong boyfriend ni KC Concepcion.

Kamakailan ay inamin na ni KC na meron na siyang bagong karelasyon, ang French film producer at businessman na si Pierre-Emmanuel Plassart. Inilarawan niya ang binata bilang “warm, genuine and timeless.”

Ni-repost ni Sharon ang isang article about her daughter and Pierre at sinabing aprub sa kanya ang relasyon ng dalawa. Ani Mega, “My Kristina and Pierre. Not anyone new.

“The same Pierre we warmly welcomed into our family and circle years ago. I am so happy! @itskcconcepcion @peplassart.”

Bago ang pag-amin ni KC, nauna na niyang in-announce sa social media na maligaya siya ngayon sa estado ng kanyang lovelife. Kasabay nito ang pagpo-post niya ng isang litrato kung saan makikita ang bungkos ng red roses na ipinadala sa kanyang hotel room sa Los Angeles, California.

Nagkomento naman si Sharon sa IG post ni KC ng, “Uhmmm…Am I allowed to…jump up and down?! But you made me love all of them!!! Hahaha! Been praying for you…!”

In fairness, mukhang matutupad na ang matagal nang pangarap ni Mega na mahanap na ng anak ang kanyang “forever” at magkaroon ng sariling pamilya.

Nagkakilala sina KC at Pierre noong 2011 sa isang gala dinner para kay former U.S. President Bill Clinton.

Read more...