Kyline napaiyak, binastos sa Kapuso mall show

MASAKLAP ang naging karanasan ng Kapuso artist na si Kyline Alcantara sa nakaraang jampacked Kapuso mall show sa Iloilo City mula sa ilang bastos na members ng ibang fan clubs na nasa venue nitong nakaraang weekend.

Kahit na-boo at nakarinig ng hindi magagandang salita, kontrolado pa rin niya ang kanyang emosyon at nagpatuloy sa kanyang performance at pinigilan ang pag-iyak ayon sa report sa social media at ilang nakasaksi.

Inilabas ni Kyline ang kanyang sama ng loob sa ginawang pambabastos sa kanya sa nasabing mall show sa kanyang Twitter account.

“Sorry if I cried in the middle of my performance. Sorry kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry. All I want is to spread positivity sa lahat. Pero nakakabastos lang,” bahagi ng pahayag ni Kyline.

Sa video ng performance ng dalaga sa show, inilabas din niya ang kanyang saloobin.

“Wag nating tularan ang ibang mga fans club. Mga bastos. Habang nagpe-perform…Oh my gosh!” aniya pa.

Read more...