Bebot tumanggi sa sex, kinatay ng boyfriend | Bandera

Bebot tumanggi sa sex, kinatay ng boyfriend

John Roson - July 03, 2013 - 05:35 PM

SINAKSAK hanggang sa mapatay ng kanyang nobyo ang 25-anyos na babae sa Cebu City kahapon ng umaga, dahil umano sa pagtangging makipagtalik, ayon sa pulisya.
Labimpitong saksak ang tinamo ni Jeyceila Muñoz sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Senior Supt. Mariano Natu-el, direktor ng Cebu City Police, sa BANDERA.
Naganap aniya ang pananaksak alas-4:30 ng umaga, sa bahay na inuupahan ni Muñoz sa Brgy. Quiot Pardo.
Lumabas sa imbestigasyon na ilang sandali bago iyon, niyaya si Muñoz ng 47-anyos na nobyong si Benedicto Lombrino na magtalik, ngunit tumanggi ang una.
Sa kabila nito, nagpilit pa rin umano si Lombrino at nagbantang isusumbong si Muñoz sa isa pa nitong “nobyo,” kung hindi papayag.
“Ang sabi naman daw ng babae, ‘mabuti pa patayin mo na lang ako kaysa isumbong.’ So ito namang suspek, nagdilim daw ang paningin at sinaksak ng 17 times ang babae,” ani Natu-el.
Matapos pagsasaksakin ang nobya, tumakas si Lombrino ngunit nakita ito ng ilang kapitbahay na nakapansin sa kahina-hinalang kilos ng lalaki.
Natagpuan ng mga kapitbahay ang duguang si Muñoz at isinugod ito sa ospital, ngunit di na umabot nang buhay ang babae, ayon kay Natu-el.
Natunton at naaresto naman aniya si Lombrino sa Toledo City – tinatayang 56 kilometro mula Cebu City – ilang oras matapos ang insidente.
“Nakakuha kasi kami ng ID (identification card) niya (Lombrino), ang sabi doon ay taga-Negros Oriental siya. So inisip namin na baka papunta siya doon kaya nagpadala kami ng pulis sa Toledo City kasi ‘yun ang pinakamalapit na port papunta sa Negros Oriental, natiyempuhan naman siya doon,” ani Natu-el.
Nakaditine na ngayon si Lombrino sa Cebu City Police Office habang hinahandaan ng kaukulang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending