True ba, Joshua unti-unti nang nagbabago ang ugali?

By Cristy Fermin August 21,2018
share this

True ba, Joshua unti-unti nang nagbabago ang ugali?

By Cristy Fermin August 21,2018
share this

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

MUKHANG maganda ang ikot ng kuwento ng bagong serye nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Sa teaser pa lang ay mahuhulaan na ang takbo ng istorya. Mayaman at mahirap na naman ang sangkot na tutok ng kuwento.

Anak mayaman si Joshua, nagpaturo pa nga siyang mag-English, dahil kung sanay ang kanyang ka-loveteam sa king’s language ay nganga raw siya.

Magtuluy-tuloy na sana ang mga proyekto ni Joshua Garcia, sayang na sayang ang talento ng magaling na aktor kung mababalagoong lang, bibihira ang tulad niya na nakakayang itawid ang kahit anong role na ibinibigay sa kanya.

Sana lang ay huwag siyang maagang malunod sa magagandang oportunidad na tinatanggap niya.

May mga kuwento kasing lumalabas na nagbabago na ang kanyang ugali mula nang magtagumpay ang mga trabahong ginawa niya.

Gusto na lang naming isipin na siguro’y sobrang pagod at puyat lang ang binatang aktor dahil sa dami ng kanyang kompromiso.

Ganu’n naman talaga ang mga personalidad na halos wala nang panahon para sa kanilang sarili, mabilis silang mairita, nabuburyong sila sa pare-parehong rutina ng kanilang buhay sa araw-araw.

Ang sabi’y junior daw ni John Lloyd Cruz si Joshua Garcia. Tinututulan namin ‘yun. May sariling atake sa pag-arte ang young actor. Kanyang-kanya lang ‘yun at walang kaplakado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending