‘Ginawan ng paraan ng producer to include me, so wag na tayong choosy!’ -Tetay

“WAG na tayong choosy!” Ito ang sagot ni Kris Aquino sa isang netizen na nadismaya raw nang mapanood ang kabuuan ng Hollywood movie na “Crazy Rich Asians”.

Showing na sa Amerika ang “Crazy Rich Asians” mula Warner Brothers na base sa bestselling book ni Kevin Kwan. May special apperance ang Queen of Online World at Social Media sa pelikula bilang si Princess Intan na isang super rich na Malay princess na isa sa mga bisita sa bonggang-bonggang wedding nina Colin Khoo (Chris Pang) at Araminta Lee (Sonoya Mizuno).

Sa simula pa lang ay sinabi na ni Kris na maikli lang ang exposure niya sa “CRA” pero isa naman itong once in a lifetime experience at napakalaking karangalan na ring maituturing para sa bansa.

Ayon sa isang IG follower ni Kris, “We watched it last night and its a very nice kilig movie, bit disappointed though kasi wala pang 3 minutes yung appearance mo dun and habang nag-da-dialogue ka hindi naman naka-focus sa ’yo yung camera anubeyen.”

Ito naman ang reply ni Kris, “The character of Princess Intan wasn’t even in the book—ginawan ng producers ng paraan to include me—so wag na ta-yong choosy. The fact na the only Asian royalty in a film entitled @crazyrichasians came from the Philippines, I am GRATEFUL.”

Nagpasalamat din siya sa Warner Brothers sa hindi malilimutang karanasan niya sa pelikula, “THANK YOU for the opportunity to represent the Philippines.”

Mapapanood na sa Aug. 22 dito sa Pilipinas ang “Crazy Rich Asians”.

Read more...