Kilalang akres nag-iwan ng ebidensya sa binayarang best actress award

DA who? Pangarap pa rin ng aktres na ito na magkamit ng acting award mula sa body na ito.

Aniya, mailap daw sa kanya ang tropeo.

Bigla tuloy nag-flash back sa aming alaala ang “pakimkim” na iniabot niya noon sa isa sa mga kinatawan ng award-giving body na ‘yon bago ganapin ang gabi ng parangal.

“Bahala ka na,” kaswal na sabi ng aktres sa kinatawan sabay abot ng tseke. Privy to the amount, hanggang ngayon—sa kabila ng maraming nakalipas na taon—ay hindi pa ‘yon ine-encash ng kinatawan hanggang ma-stale-dated na.

Souvenir o Exhibit A, your Honor?

Read more...