KC in love na naman, French director-producer ang bagong BF | Bandera

KC in love na naman, French director-producer ang bagong BF

Ervin Santiago - August 19, 2018 - 12:10 AM

PIERRE-EMMANUEL PLASSART AT KC CONCEPCION

IN-LOVE nga ang TV host-actress na si KC Concepcion sa isang French businessman-filmmaker na matagal na niyang kakilala.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng dalaga ang litrato nila ng bago niyang boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart na inilarawan niyang “genuine” at may “pusong Pinoy.” Nilagyan niya ito ng caption na, “Warm, genuine, timeless.”

Naka-tag pa si Pierre (@peplassart) sa IG post ni KC kaya naman maraming followers ng dalaga ang nag-comment at nag-congratulate sa dalawa, pero siyempre meron ding nangnega sa pag-amin ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Isang fan ang nagsabi na 35 years old na si Pierre at ipinanganak sa Le Mans France noong Aug. 29, 1982. Graduate siya ng Economics sa France at nagtapos naman ng filmmaking sa Los Angeles. Nakagawa na siya ng short film na may pamagat na “Betrayed” noong taong 2006.

Bukod sa pagdidirek ng pelikula, isa rin siyang producer at businessman. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari raw ng mga supermarkets.

Komento ng isang follower ni KC, “I hope HE’s the one already for you KC. You guys look good together.” Na sinagot naman ng dalaga ng, “God’s timing is perfect.”
Sey naman ng isa pa niyang fan, “Mukhang kayang-kayang i-handle ni Pierre ang babaeng tulad niyang independent, passionate, spirit-free, and beautiful inside out.” Reply naman ni KC, “I think so too.”

Kamakailan ay inamin ni KC na hiwalay na sila ng ex-boyfriend niyang si Aly Borromeo, dating team captain ng Azkals. Aniya, magkaibigan pa rin sila kahit hiwalay na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending