Hugot ni Vice: Kapag inoperan talaga ako ng GMA, lilipat ako!

By Ervin Santiago August 19,2018
share this

Hugot ni Vice: Kapag inoperan talaga ako ng GMA, lilipat ako!

By Ervin Santiago August 19,2018
share this

VICE GANDA

Nag-viral ang isang episode ng It’s Showtime kung saan nahulog si Vice Ganda sa stage ng Tawag Ng Tanghalan at nasabing lilipat na sa GMA 7 kapag nakatanggap siya ng offer sa Kapuso Network.

Naitulak kasi ni Vhong Navarro si Vice kaya nahulog siya sa platform ng TNT, kaya nakapag-dialogue siya ng, “Bakit ba tinutulak niyo ko ngayong araw? Kanina pa nakadalawang tulak na kayo!”

Hirit naman ni Anne Curtis, “E, bakit kasi parang ang bilis mo matumba?” Na sinagot ng Unkabogable Star ng, “Nagpapatawa lang tapos nananakit kayo. Tinulak mo din ako kanina, babae ka.”

“Ganyan kayo dito, nagtatrabaho lang mapagtulak kayo. Pagod na pagod na ako, nananakit kayo! Pag ako lang talaga, in-offeran sa GMA, lilipat ako! Pagod na pagod na ako dito, e!

“Patawa ka nang patawa, kahit may sakit ka magpapatawa ka!Tapos pag nakakatawa ka, itutulak ka, anong klaseng samahan meron itong Kapamilya? Bad trip kayo, lahat na lang! Minsan talaga nag-iisip ako, gusto ko talagang maranasan yung Kapuso, e.”

Nag-sorry naman si Vhong pero ang resbak ni Vice, “Pag may nag-offer lang talaga doon babalik ako, kahit co-host ako ni Susan Enriquez, sinasabi ko sa inyo babalik ako doon. Kahit sa Channel 5 lilipat ako, daming basketball (players) doon!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending